Linggo, Enero 13, 2013
Hi! Ako nga pala si Ma. Genine R. Sapasap, ipinanganak at dito na ako lumaki sa Brgy. Gen. T. de Leon, Valenzuela City. Sa mga lumipas na taon, marami nang naging pagbabago ang aming baranggay. Ilan sa mga ito ay nagkaroon ng malalapit na drugstore at fastfood chain at convenience stores na kung saan ako mismo ang nakinabang. Maraming nagsasabing magulo raw ang aming baranggay, ngunit, saaking palagay, masaya ang aming baranggay. Maraming proyekto ang ginagawa ng aming kapitan na syang ikabubuti ng kalagayan ng mamamayan ng aming baranggay. Mayroong wet and dry market dito sa aming baranggay na kilala sa tawag na Zenmar. Nalungkot ako ng napabalitaan ko na ito raw ay gigibain at tatayuan ng Robisons. Biglang pumasok sa aking isipan ang mga masasayang alaala sa palengkeng ito.Tulad na lamang kapag kami'y namimili kasama ng aking Daddy. Isang araw ng ako'y mapagawi dito, naka barikada na ito at sinisimulan ng tibagin. Nalulungkot ako ngunit alam ko wala akong magagawa para ihinto nila ang pagpapaalis sa mga nagtitinda. Pero, nailipat naman ang mga nagtitinda sa mas magandang pwesto at muling naibalik ang Zenmar. At siguro, sa mga pangyayaring ito, mas pinagaganda ang aming lugar dahil sa mga establisyementong pinatatayo dito. Halika! Subukan ang magagandang alaala sa Valenzuela! Tayo na, Valenzuela! :)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento